Matalak na male personality mahalay

tonite-no-thanks-cristy-ferminKUNG may mga personalidad na babaeng halos nakatira na sa harapan ng kanilang mga gadget para mag-post nang mag-post ng lahat ng nagaganap sa kanilang buhay ay may mga male personalities din na kailangang mag-ingat para hindi sila naba-bash.

Kalalaking tao, sabi nga ng mga miron, pero kung bakit ang hilig-hilig makisawsaw sa lahat ng isyu. Nag-iingay, nang-iimbita ng pagpansin, sa ating kultura ay hindi pa isandaang porsiyentong tanggap ang mga lalaking may kadaldalan.

Sabi ng isang source na nakausap namin, “Wala ba silang pinagkakaabalahan? Bakit nakakakita sila ng panahong mag-post nang mag-post ng kung anu-anong kabalbalan?

“Mahalay tingnan para sa isang lalaki ang putak nang putak! Para silang kapapangitlog lang na manok sa pag-iingay! Pasable ang ganu’n kung babae ang ­tumatalak, pero kung lalaki na, e, teka naman muna!” sabi nito.

Totoo rin ang obserbasyon na may gusto lang patunayan ang mga lala­king makuda sa social media. Hindi kasi malalim ang pagkakilala sa kanila ng publiko, maging ng kanilang mga tagahanga, kaya may gusto silang ipamukha.

Patuloy ng aming source, “Karamihan sa mga tala­kerong ganyan, e, may gustong i-prove. Na mulat sila, na malalim sila, na may alam sila sa mga nagaganap sa ating bayan.

“Pero kailangan pa ba namang idiin ‘yun sa publiko? Kahit hindi nagsasalita ang tao, e, kaya niyang ipa­labas ang awareness niya. Marami namang venue para mailabas ‘yun, hindi sa social media lang.

“Umingles man sila nang maghapon at magdamag para patunayan lang na matalino sila, e, pamba-bash lang ang aabutin nila!

“Kung sana, e, ganu’n na sila nu’n pa, kaso, ngayon lang naman. Akala siguro ng makukudang persona­lidad, e, hinaha­ngaan sila sa kadaldalan nila. No way, highway, paimbabaw lang naman kasi ang ginagawa nila!” inis na inis pang pagtatapos ng aming source.

Diego nilipat sa rehab

MALAPIT lang sa bahay ng isa na­ming kaibigan ang rehab-nursing home na pinagdalhan kay Diego Loyzaga pagkatapos siyang gamutin sa St. Luke’s Medical Center dahil sa tangka niyang pagkitil sa kanyang buhay.

Maganda ang lugar, malapit lang sa lahat, lalo na sa isang palengkeng pinagkukunan ng mga sariwang prutas, karne at gulay na kinakain ng mga nasa rehabilitation center.

Tama ang desisyon ng pamilya ni Diego, kailangan niyang magpalipas nang mahaba-habang panahon sa nasabing lugar para siya makapagmuni-muni, ang minsang nagawa na ay puwedeng maulit pa.

Nagtatanungan ngayon ang marami kung ano ang nagtulak sa aktor para pagtangkaang tapusin ang kanyang buhay. May ma­tinding pinagdadaanan ba si Diego sa kanyang personal na ­buhay?

Kung ‘yun ang magiging paksa, bata pa lang ang aktor ay nakasalang na siya sa ganu’ng sitwasyon, dala-dala niya ‘yun hanggang ngayong nasa wastong edad na siya.

Ipakuwento na lang natin kay Teresa Loyzaga, ang matapang sa buhay niyang ina, kung anu-ano ang depresyong umabot kay Diego nu’ng batambata pa lang siya.

Nakatulong sa kanyang paglaki ang matagal niyang pamamalagi sa Australia kasama ang pamilya Loyzaga, meron mang pagmamahal na ipinagkait sa kanya ang ibang tao ay pinuno naman ‘yun ng pamilya ng kanyang ina, pero hindi pa rin kumpleto ang buhay niya.

Sabi ng aming source, “Hindi naman matindi ang nangyari kay Diego, ‘yung paghiwa niya sa leeg at braso niya, hindi ganu’n kalalalim, kahit tanungin n’yo pa ang mga doktor na tumi­ngin sa kanya.

“Kaya nga nakalabas din siya agad, kaya nga nailipat agad siya sa rehab,” impormasyon ng aming source.