Ang nakaambang pag-awit ni Mommy Dionisia ay bahagi ng isang malaking free entertainment event, ‘Palawan at the Big Dome,’ isang star-studded na parangal sa 10 namumukod-tanging kasambahay sa Kasambahay, Kasambuhay Pilipinas Awards 2018.
Sasamahan si Mommy D sa entablado nila Allan K, Benjie at Andre Paras, Maymay Entrata at Edward Barber, Daryl Ong, Kyline Alcantara, at dating Rivermaya frontman, Jason Fernandez.
Matapos ang apat na taon, handa na si Mommy Dionisia Pacquiao na awitin ang susunod niyang record-breaking song sa Lunes, Disyembre 3, sa Smart-Araneta Coliseum.
Naging singing sensation si Mommy D noong 2014 sa bisayang pagkanta ng Wrecking Ball, hit song ni American singer Miley Cyrus.
Ang Kasambahay, Kasambuhay Pilipinas Awards ay taunang search na ginagawa ng Junior Chamber International Senate Philippines (JCISP) para hanapin at gawaran ng pagkilala ang mga ulirang domestic helper.
Tinatangkilik ito taon-taon ng Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala. Sa taong ito, tatanggap ang bawat mahihirang na outstanding kasambahay ng kakaibang stained glass trophy at P75,000 cash. Pormal silang kikilalanin sa Disyembre 3 sa isang makislap na three-hour extravaganza na libre sa publiko – first come, first serve.
Matatandaang hindi-sinasadyang nailunsad ang singing career ni Mommy Dionisia sa show na Gandang Gabi Vice noong Abril 2014 nang hayaan siya ni Vice Gandang awitin ang Wrecking Ball. Mahigit limang-milyon na ang nakapanood ng performance ng ina ng world boxing champion sa YouTube.
Pero walang naging kasunod na kanta si Mommy D. Inabot umano ng apat na taong kakapraktis ang aawitin niya sa unang pagkakataon sa gaganaping Palawan at the Big Dome. Para sa libreng ticket sugod na sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala Branches. First come, first serve ito.