SIKAT na direktor, kinatatakutan ng mga staff at utaw kung nagtataray.

Buti na lang, natuklasan ang pampahupa ng galit niya.

Kung pagalingan ang sukatan, sintaas ng mahiwagang Bundok Banahaw ang level niya.

Respetado siya. Premyado.

Ang mga jurtista, behaved sa kanya. Kapag bano ka sa akting, lagot ka sa kanya.

Dapat, ready ka at memorized mo na ang mga linya mo pagda­ting mo sa set.

Kaya lang, madalas pa rin siyang galit. Wala siyang sinisino kesehodang sikat ka.

Basta gusto niyang magalit, wah siya keber.

One day, isang araw sa shooting, nagtatalak na naman si directed by.

Masasakit ang mga binibitawan niyang salita na halos bumaon sa kanilang lapay, apdo at ba­lun-balunan nang biglang may pumaradang van.

Aba!

Biglang natigil ang talakitok ni direk at sinabihan ang assistant niya na iinom muna siya ng gamot.

Kumaripas si direk pa­puntang van. Halatang excited sa gamot na iinumin.

Maya-maya… aba! Aba! Aba! Ang van, gumagalaw-galaw.

Ang sound effects…. Ohhhhh, ahhhhh.

Makalipas ang 28 minutes, lumabas si direk sa van.

Maaliwalas ang mukha. Pagkaganda-ganda ng ngiti. Bakas sa mukha ang kaligayahan.

Mula sa van, may bagets na lumabas. Bumeso kay .

Ngayon, alam na ng staff kung ano ang gamot ni direk…

Vitamin T!