Matatandang power plants dapat nang ipahinga — solon

power-plant

Nakakapagod na umano ang maintenance shutdown ng mga power industry players na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente kaya kailangang pagpahingahin na ang mga uugud-ugod na planta.

Ito ang naisip na paraan ni Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers upang masiguro na hindi manga­nganib ang supply ng kuryente, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga probinsya.

“We continue to experience tight power supply situation and even rotating brownouts all over the country because most of our power plants are aging and not up to par in their performance,” pahayag ni Barbers.

Dahil dito, nararapat umanong obligahin ang mga power industry players lalo na ang mga Independent Power Producers (IPPs) na ipagpahinga na ang kanilang mga plantang matatanda na.

Sa ilalim ng panukala ni Barbers, kailangang hanggang 15-anyos lang ang planta at dapat magtayo ang mga IPPs ng panibago bago dumating ang panahong ito habang ang mga nakatayo nang mga planta ay kailangang i-audit kung may kapasidad pang mag-produce ng kuryente.