Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni ­Jesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok. Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at ­sukat ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakiki­pag-usap kay Jesus.