Nakakulong ngayon ang isang math teacher matapos nitong molestiyahin ang 8-anyos nitong estudyante sa loob ng isang pribadong paaralan sa Novaliches, Quezon City.
Sa report kay Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4 commander PSupt. Rossel Cejas, si Carlito Dionio Gabriel alyas ‘Teacher Carl’, 23, binata, math teacher, ay dinakip sa loob ng classrom sa ikalawang palapag ng Divine Trinity Learning Academy sa No. 28 Jewel St., Forest Hills Subd., Brgy. Gulod, Novaliches, dakong alas-10:00 nang umaga nitong October 4.
Sa salaysay ni Gng. Eloisa, ina ng biktimang itinago sa pangalang ‘Pauline’, grade 3 pupil, umuwi umano ang kanyang anak na umiiyak at nagsumbong na pinaghihipuan siya sa maseselang parte ni Titser Carl.
Lumapit umano sa biktima ang guro upang turuan ng math pero bigla umanong ipinasok ng suspek ang kamay nito sa panty ng bata at nilamas ang kaselanan nito. Sa takot ng bata ay nagtatakbo ito at nagsumbong sa iba pang guro.
“Nagsumbong yung magulang ng bata at ayon sa kanya umiiyak nga yung bata pag-uwi dahil hinawakan ng guro niya sa Math iyung maseselang parte ng katawan niya. Kaya agad ko namang inutusan ang mga tauhan ko at ipinaresto ko ‘yung inirereklamong guro ng bata,” ayon kay Cejas.