Nagliliyab na binuksan ng Perlas Pilipinas ang kampanya sa 29th SEAG nang ilampaso ang Singapore 88-54 sa MABA Stadium kagabi.
Isinusulat ang balitang ito ay nakikipagbuno pa ang men’s national basketball team Gilas sa Thailand sa parehong venue sa Kuala Lumpur.
Umiskor lahat ng Filipinas sa pangunguna ng 16 points ni Afril Bernardino na nagbaba pa ng 10 rebounds. May 13 si Janine Pontejos, tumapos ng 10 points at seven rebounds si Camille Sambile para sa Perlas.
Na-outrebound ng Filipinas ang Singaporeans 58-42.
Sunod na makakalaban ng Perlas sa Lunes ang Indonesia na naglista rin ng dambuhalang 94-49 panalo kontra Myanmar. Sa isa pang laro, kinubabawan ng host Malaysia ang Vietnam 88-54.