Naglabas ng statements ang kalipunan ng mga horse owners sa bansa na kinakatawan ng T­ho­roughbred Owners of the Philippines (TOP), na binubuo ng mga miyembro ng Marho, Philtobo, Klub Don Juan de Manila at iba pang sektor ng industriya tungkol sa issue ng Sabong betting sa loob ng off-track betting stations (OTBs).

Sa meeting na nilahukan ng maraming sektor ng industriya kasama ang Philracom, Games & Amusements Board, tatlong racing clubs, KASAPI at iba pa, sa manifesto na binasa ni Atty. Lo­uie Dimaisip ay narito ang kanilang sinabi:

“We are now petitioning your office to rescind or recall the approval granted by GAB to Manila Coc­kers Club for the rations of the live broadcast and live streaming of e-sabong.

First of all, GAB has no po­wer to authorize the operations of e-sabong. Furthermore, with your appro­val, they started ope­rating in various betting stations that are licensed by GAB only for horsera­cing. Therefore, we implore you to immedia­tely act on this petition, before the horsera­cing industry dies.”

Ayon sa Klub Don Juan de Manila na nirepresenta ni Jun Almeda, ang premyo ng kabayo ay masyadong bumaba dahil sa kapanabayan nito ang sabong betting sa loob ng OTBs. Ang mga taya raw na dapat pumapasok sa karera ay napupunta sa sabong.

Sinabi ni Nicson Cruz, pangulo ng Karera Station Association of the Philippines, Inc. na asosasyon ng OTB operators sa bansa, na matagal nang nagtatanong ang kanilang miyembro tungkol sa legalidad ng sabong betting sa OTBs dahil baka maisarado ng gobyerno ang kanilang negosyo kung ito’y talagang illegal.

“Gusto lang naman namin makuha ang assurance mula sa GAB kung ang sabong betting sa loob ng mga OTBs ay legal o hindi. Matagal na kaming nagtatanong bago pa pumasok itong 2016. Isa pa, kung kailangan pa ng panibagong permit diyan sa sabong betting, sino ang sasagot sa pagbabayad. Masyadong maliit ang commission na ibinibigay nila doon sa mga OTBs na meron nang sa­bong betting,” ani Cruz.

Nagpahayag din ng oposisyon ang Metro Manila Turf Club: “As mentioned in our previous letter (to Philracom) the totalizators intended for horsera­cing are now being used by Manila Cockers Club, Inc. for the taking of bets in live streamed cockfights.

Contrary to the conditions set by the GAB in its letter da­ted 05 May 2016, the OTBs where these totalizators are located have not been authorized by the local go­vernment units concerned to take bets for live streamed cockfights. Without such authority, these betting activities, underta­ken through the use of totalizators, constitute illegal gambling.”