Kayo ba ay nakakarinig ng matining na tunog sa isa niyong tenga? Maaari ninyo itong marinig sa kaliwa o kanang tenga.
Ang tinutukoy ko dito ay ang matining na tunog na sa una ay mahina at unti-unting lalakas hanggang sa unti-unting hihina at tuluyan nang mawawala sa inyong pandinig.
Hindi masakit ang epekto nito sa tenga at hindi rin ito katulad ng Tinnitus na isang sintomas ng pagkawala ng pandinig, ear injury o kaya ay circulatory system disorder.
Madalas din ako makarinig ng matining na tunog na ito na para sa akin ay isang Universal o Cosmic Code para kunin ang aking atensiyon sa anumang mensahe sa buhay o kailangan kong gawin sa hinaharap.
Sinasabi ng mga dalubhasa sa Metapisika, na ang ‘high-pitch sound’ na ito ay ang nagsisilbing koneksiyon ng isang old soul sa kanyang home planet o ‘di man kaya ay pahiwatig ng mga nilalang na may kaugnayan sa iyo.
Ito ay alinsunod sa paniniwalang tayo ay maaaring na-reincarnate dito sa mundo mula sa dati nating buhay sa ibang planeta, o ‘di man kaya ay isa kang old soul mula sa mga sinaunang buhay at may kaugnayan sa ibang dimensiyon.
Ang Cosmic Code na ito kapag tinanggap natin at nagsilbing gabay sa ating meditasyon, sa channelling at koneksiyon sa Universal Energy ay tila computer ang ating isipan na magkakaroon ng upgrades o tune-up mula sa enerhiya ng iba’t ibang dimensiyon.
Ngayon, baka makarinig kayo ng matining na tunog sa inyong kaliwang tenga, ito ay nangangahulugan ng ‘spiritual growth’. Kailangang magtiwala sa ating intuition at divine wisdom.
Kung nakarinig ng tunog sa kanang tenga, ito ay nangangahulugan ng physical growth at gagabayan ka sa iyong mga plano sa buhay na may pagsang-ayon ang Kaitasan o Universe.
Para sa inyong mga katanungan at suhestyon, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com at bisitahin ang aking website: www.reytsibayan.com.