Handang isuko ni Sen. Antonio Trillanes IV ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa dumating man o hindi ang warrant of arrest.
Ayon kay Trillanes, si Matobato ang kusang nagdesisyon na susuko siya matapos na maglabas ng arrest warrant ang Davao Municipal Trial Court Branch 3, kaugnay sa ilalabas na bench warrant makaraang hindi ito makadalo sa pagdinig sa kasong illegal possession of firearms na inihain noong 2014 matapos na mapatay sa Davao City ang bilyonaryong si Richard King.
“Ang decision namin, alas-10:00 bukas itu-turnover ko si Mr. Matobato with or without the warrant,” ani Trillanes na namuti ang mata sa paghihintay sa arrest warrant kahapon.
Kala ko ba inconsistent yong sinasabi ni Matobato sa pagpatay kay Richard King…dahil sa mcdo daw napatay sabi ni Matobato..bakit siya ang suspect s pagpatay kay King..ngayon na kinasuhan siya ng illegal possession dahil sa pagpatay kay King..bakit hindi murder ang ikinaso..ang gulo ah
Bkait ngayon lang kinasuhan ng illegal possesion of fire arms tong si Matobato..matagal ng nagdadala ng baril yang tao na yan at inamin mismo ng mga police davao na nakikita nilang laging may bitbit na mataas na kalibre ng baril
Nagtataka lang ako, illegal possession of firearms ang kaso pero binabanggit yung pagkamatay ni Richard King.. yung baril ba na nakuha sa kanya ang ginamit ayon sa ballistic report? mali ba ako ng intindi or kulang ang balita? nagtatanong lang po kung ano koneksyon….