Sa resumption ng imbestigasyon ng Senate committee on justice and human rights hinggil sa extrajudicial killings (EJK) sa bansa, ang inaabangan ngayon ay kung paninindigan pa rin ng testigong si Edgar Matobato ang testimonya niya noong Huwebes o babaligtarin ang mga ito.
Matatandaan na sa nakaraang hearing ng komite noong si Sen. Leila de Lima pa ang chairperson, sinabi ni Matobato na naging kasapi siya ng Davao Death Squad (DDS) mula 1988 hanggang 2013 at nakapatay sila ng humigit-kumulang sa 1,000 katao, sa utos ni dating Davao City Mayor at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, nangako sa kanya si Sen. Richard Gordon, ang bagong chairman ng komite, na walang magaganap na whitewash sa pagsalang muli ni Matobato sa hot seat.
Isa sa nagtanong kay Matobato sa nakaraang hearing ay si Sen. Panfilo Lacson kung saan tinanong nito kung saan pinatay ang bilyonaryong si Richard King noong Hunyo 2014. Sinabi ni Matobato na sa McDonald Restaurant pero nang i-Google ito ni Lacson, lumabas na pinatay ang bilyonaryo sa tanggapan nito sa Vital C. building sa Davao City.
Isa rin sa hindi mapaniwalaan ng mga senador ay ang sinabi ni Matobato na buhay pa ang NBI agent na si Jamisola kahit niratrat ng mga miyembro ng DDS, nang dumating si Mayor Duterte at tapusin ang buhay ng agent nang ubusin dito ang dalawang magazine ng Uzi.
wala yata comment dito?
hindi pa nababayaran ni de5 yung mga group nya , yung iba nagresign na
hahahah