Last ditch effort para sa Whistleblower Association of the Philippines ang paggamit ng Senado bilang testigo kay Edgar Matobato para idiin sa extrajudicial killing si Pangulong Rodrigo Duterte at mabaling dito ang atensyon kasabay ng gagawing imbestigasyon ng Kamara sa illegal drugs sa National Penitentiary.
“Media mileage lang talaga kung bakit nandun sa Senate hearing si (Edgar) Matobato pero sa usapin ng kredibilidad at personal knowledge sa sinasabing patayan sa Davao ay hindi ito kayang mapatunayan at alam naman ito ni Sen. Leila de Lima” paliwanag ni Whistleblower Association of the Philippines President Sandra Cam.
Inilarawan din ni Cam bilang desperate move ang muling paggamit ni De Lima kay Matobato sa Senate hearing.
Paliwang ni Cam na taong 2013 pa nasa kustodiya na ng WPP ng Department of Justice (DOJ) ang self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman na si Matobato subalit sa kabila ng pag-uugnay nito kay dating Davao Mayor Duterte sa serye ng patayan sa Davao City ay hindi nakapag-estabilisa ng kaso ang DOJ dala na rin ng kawalan ng ebidensya.
Ayon kay Cam noon pa man ay target na ni Secretary De Lima na mapanagot sa DDS si Pangulong Duterte sa tulong ng testimonya ni Matobato ngunit wala umanong iba pang testigo na magpapatunay sa kanyang mga alegasyon kaya naman hindi ito umusad.
Mismong ang National Bureau of Investigation (NBI) umano na inatasan ni De Lima ang mangalap ng ebidensya pero bigo rin sa kanilang misyon na iugnay si Duterte sa DDS kaya kalaunan ay umalis na si Matobato sa WPP na noon ay pinangangasiwaan ni Atty. Martin Menez na law partner ni De Lima.
Hindi rin naniniwala si Cam na hindi magkakilala ang senadora at ang kanyang testigo kagaya ng nais palabasin sa imbestigasyon sa Senado.
“Hindi totoong hindi magkakila sina Sen. De Lima at Egdar Matobato” giit pa ni Cam. ()