Matteo kinabayo ng babae

Full house ang CCP Main Theater sa world premiere ng “Mina-Anud” na closing film ng 2019 Cinemalaya filmfest nu’ng Sabado nang gabi.

Bet namin ang bagong pelikula ni Dennis Trillo, na ang saya ng energy at nakakatuwa ang treatment kahit seryoso ang tema nito na may kinalaman sa drugs.

Base ito sa totoong nangyari nu’ng 2009 na ilang toneladang cocaine ang inanod sa dalampasigan ng Mina-Anud sa Eastern Samar na nanggaling isang Chinese vessel.

Ang galing ng cast nito sa pangunguna ni Dennis bilang si Ding, isang local surfer sa Borongan, Samar na gusto lang magkapera at guminhawa ang kanyang pamilya kaya naisipang magbenta ng ilegal na droga.

Solid ang performance dito ni Dennis at makikisimpatya ka sa karakter niya dahil siya ang pinakamatino sa tropa nila.

Kuwela si Jerald Napoles bilang tatanga-ta-nga niyang bespren na si Carlo na walang ginawang tama at laging nasasangkot sa trobol.

Maging si Lou Veloso ay nakakatawa rin bilang kapitan ng barangay na nakalikom ng sako-sakong cocaine. May riot na eksenang high na high ang magkaka-barangay dahil sinubukan nilang tirahin ang pangmayamang droga.

Pero ang the best para sa amin ay si Matteo Guidicelli na may special role sa movie.

Tuwang-tuwa kami kay Matteo bilang aspiring celebrity at product endorser na si Paul, na ‘yung Badlands TVC pa lang niya na half-naked siya at nahuhulog-hulog ‘yung corned beef sa abs niya ay hagalpak na kami sa katatawa.

Si Matty ang naging kontak nina Dennis at Jerald sa Maynila at dito nila binebenta ang drogang nabili nila sa Mina-A-nud.

As in first time naming napanood ang wholesome na si Matteo na nagmumura, tumotoma at sumisinghot ng cocaine.

Pati ‘yung outfit niya na bathrobe lang ay very mafia boss ang peg, tapos may eksena pa nu’ng party sa condo niya na nakita siya ni Dennis na may kadyug siyang girl na kinakabayo siya. Astig ni Matty!!

Posibleng ma-shock ang nobya niyang si Sarah Geronimo sa mga pinaggagawa rito ni Matteo, pero sana ay mapanood ito ni Sarah because we’ve never seen Matteo like this at ito ang best performance niya ever sa lahat ng pelikula niyang napanood namin.

Bilib kami kay Matt na tinanggap niya ang offbeat role na ito na obvious namang nag-enjoy siya. Bet namin siyang bigyan ng Best Cameo award para rito! Ha! Ha!

Very pro-mising ang debuting director na si Kerwin Go, na tama lang na pinakatiwalaan at sinuportahan ng Regal Films dito sa “Mina-Anud”.
Sa August 21 ang showing nito in cinemas nationwide.

Dennis ‘di luluhod kay Jennylyn sa Valentine concert

Wala ang girlfie ni Dennis Trillo na si Jennylyn Mercado sa premiere ng “Mina-Anud” sa CCP dahil may trabaho raw ito.

Pero tiniyak ni Dennis na dadalo si Jen sa isa pa nilang premiere sa SM Megamall bago ang sho-wing ng movie.

Proud si Den sa “Mina-Anud” na sabi niya ay hindi ordinaryo at very unique na pelikula, na ang description ni Direk Erik Matti ay ‘breath of fresh air.’

Sinimulan na ni Dennis ang horror movie na gagawin niya with Star Cinema, tapos ay malapit na rin daw siyang mag-start ng bago niyang soap opera sa GMA.

After that ay magpe-prepare na sila ni Jen para sa Valentine concert nila next year. Marami raw silang sorpresa roon na iba sa mga CoLove na ginagawa nila sa YouTube.

Posible kaya na may pasabog doon si Dennis at bigla na lang siyang lumuhod sa stage at magbigay ng singsing kay Jen?

“Medyo very cliché yon at saka parang ‘yon ang ine-expect ng mga tao, pero iba ang style ko, hindi gano’n,” natatawang sagot ng Kapuso actor.
Aniya, hindi raw sa concert venue magaganap ang proposal niya kung sakali kundi sa ibang lugar.