tonite-imo-vinia-vivar

Lumabas na ang full video ng sky-diving ni Matteo Guidicelli na ginanap sa WCC Aviation Binalonan Air Field few days ago na ipinost ng isang nagngangalang Snooky Cruz na diumano ay pilot ng aktor at ang dami na namang kinilig na AshMatt fans.

Caption ni Snooky sa video, “Here is the much awaited skydive video of Gianmatteo Fernan Guidicelli from his helmet mounted GoPro cam…since he had a hard time getting out to the strut of the plane and took sometime to let go, by the time he jumped we were far upwind from the drop zone…good thing his ground radioman, John Villfuerte was skilled and was able to guide him back in time to land at the edge of the runway…good jump and congrats!”

Maririnig sa video na habang nasa ere siya ay sinabi niyang “Love you Love, love you Sarah (Geronimo), love you Mama, Papa, Georgia, Pao-pao!”

Needless to say, kilig to the bones ang mga fan sa hayagang pagpaparamdam ng pagmamahal ni Matteo kay Sarah. Na lalong nakakadagdag tuloy sa espekulasyon ng marami na mukhang engaged na nga ang dalawa.

Pero siyempre, wala pa namang kumpirmasyon kung talagang engaged na sila at sabi nga ni Matteo nang huli naming makausap ay hindi raw siya ang nagbigay ng sing­sing na suot-suot ni Sarah dahil masyado raw maliit iyon.
***

JC de Vera pakakasalan na ang GF

Blessed kung i-describe ni JC de Vera ang buhay niya ngayon, mapa-career man o mapa-personal life.

“Blessed because I have a good life, mayroon akong beautiful family. Blessed ako with so much work, si­yempre, with ‘The Gene­ral’s Daughter’ and ‘Banana Sundae,’ tapos I’m doing mo­vies on the side also.

“Then, nag-open ako ng mga couple of businesses on the side rin para ‘pag wala naman akong ginagawa sa showbusiness, meron akong sideline,” sabi ni JC nang makatsikahan namin sa kanyang solo presscon.

Mata­tandaang nagbukas ng burger business ang aktor kung saan ay may dalawang branches na siya. May bago rin siyang bar called Pub.liq at isa pang food business na Rustic Box Express na parang rice-in-a-box.

Ang baby daughter niyang si Lana ay 11 months na at enjoy na enjoy siya being a father. Napakaayos din ng samahan nila ng partner niyang si Rica at kung baga ay bumubuo talaga sila ng isang happy family.

When asked kung kailan ang plano nilang pakasal, ani JC ay iniisip daw nilang gawin ito on 2021 or 2022.

“Nasa process na siya. Pinag-uusapan na namin siya. Kasama siya talaga sa matagal nang pinag-uusapan. But ‘yun nga, siyempre, hindi namin kaya nang sabay-sabay, eh. Tapos ‘yung trabaho ko pa, paiba-iba ‘yung schedule.

“So, you’re taking it slow, pero we’re getting there. Pinag-uusapan na namin and namimili lang kami kung year 21 or 22,” saad ng aktor.

Siyempre, church wedding daw ang plano. “‘Yun talaga ‘yung prinamis ko sa Lord na alam mo ‘yun, after my parents, kailangan sa church talaga,” aniya.

Pero hindi pa niya masabi kung dito ba sa Metro Manila or out of town ba or out of the country.

“Depende ‘yan sa costing,” natatawa niyang sabi.

If ever ay simple lang daw ang magiging kasal niya.

“Isa sa magandang values ng family ko, ano lang talaga, simple lang talaga. Pareho kami ng mommy ni Lana na very simple lang,” he said.

Sa ngayon ay hindi pa raw nila planong sundan si Lana dahil gusto nila talagang matutukan ang kanilang panganay muna.

“Mahirap. Right now, na-e-enjoy namin ‘yung lifestyle na we go out as a family. ‘Yung expenses namin as a family, nababantayan namin. Very relax kami ngayon kasi nabibili namin kung ano ang kinakailangan ni baby and right now, we’re preparing para du’n sa schooling. Si­yempre nagsi-save up kami habang maaga na kumikita ako ng ganito,” pahayag pa ng aktor.