Kita ang ligaya sa mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nang bumisita sila sa clinic ni Dra. Vicki Belo.
Naka-post ang video ng naging pagbisita nina Mr. and Mrs. Guidicelli sa Instagram ni Belo.
Sinamahan ni Matteo ang misis sa Belo BGC para i-try ang glass skin facial dahil kay Julia Barretto, na ang galing daw ng endorsement kaya nahikayat siya.
Sa video, pinakilala nina Matteo at Sarah ang isa’t isa sa mga nanonood.
“Hey guys we’re here in Belo BGC,” ani Sarah.
Sinundan ito ni Matteo ng, “My beautiful wife.”
Natatatawang sinagot naman ito ni Sarah ng, “My handsome and beautiful husband.” Sabay tawanan ng dalawa.
May pahabol pang pampakilig si Matteo kay Sarah matapos sabihing “most beautiful” daw ang misis niya kay Julia.
Kinilig ang mga netizen sa sweetness ng dalawa.
“I was smiling ear to ear the entire time i was watching them,” react ni lamicajoy.
“You are both happy I can see your eye. enjoy your life,” sabi naman ni 62tesslopez.(IS)