Matteo nandiri sa mahalay na netizen

Sinagot ni Matteo Guidicelli ang isang bastos na netizen sa Twitter na nagkomento ng mahalay na pananalita sa kanya.

Lalaki ang netizen pero obvious sa kanyang tweet ang sexual preference niya dahil tungkol sa sex ang kanyang komento.

Sagot na lang ni Matteo sa bastos na tweet ng netizen, “Yaaaak.”

Pati ang mga ibang nakabasa ay nabastusan sa sinabi ng netizen at ipinagtanggol si Matteo. May nagsabi namang hindi na dapat pang pinatulan ng aktor ang walang magawang social media user. Pero katwiran ng iba, tama lang daw na sagutin dahil binabastos na ang aktor.

Ryan Korean food ang pampalit sa ngipin ni Amy

Hindi nagalit si Amy Perez kay Ryan Bang at naiintindihan naman niyang hindi naman sinasadya ng co-host ng ‘It’s Showtime’ na mabasag ang ngipin. In fact, touched na touched nga siya rito dahil talaga raw panay ang sorry sa kanya.

“Alam mo, nakakatawa si Ryan, nag-sorry po siya sa akin, mga Kapamilya, sa lahat po ng plataporma. Sa text, sa Instagram, sa tweet,” sey ni Amy at idinagdag pang pabiro na pati sa plataporma de gobyerno.

“Kulang na lang po talaga, lumubog ‘yung bata sa lupa,” sabi pa ni Tyang Amy.

Nangako rin daw si Ryan na ililibre siya ng Korean food ng one week.

“Sabi ko, akala ko sa Korea. Korean food lang pala sa Pilipinas,” pagbibiro pa ni Amy.

Matt bano ang karakter

Overwhelming” ang sagot ni Matt Evans nang tanungin namin kung ano ang masasabi niya sa mga projects na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

“Sobrang overwhelming kasi hindi pa ako tumitigil ng trabaho hanggang ngayon,” masaya niyang sabi nang makausap namin sa set ng The Cure.

Papasok na si Matt sa The Cure na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez. Sila bale ni Kris Bernal ang mga bagong karakter na madadagdag sa nasabing Kapuso primetime series.

Last August lang lumipat si Matt sa GMA-7 mula sa ABS-CBN at nabigyan siya agad ng Sherlock, Jr. na serye, Sunday Pinasaya, at ngayon ay The Cure naman.

Eleven years din daw siya sa ABS-CBN at wish niya, “sana po, kung ano ‘yung tinagal ko sa kabila, mahigitan ko dito.”

Sa The Cure ay ginagampanan ni Matt ang karakter ni Elmer at asawa niya naman ang karakter ni Kris. Sila ang pamilyang tutulong naman sa mga infected at patutuluyin niya ang mga ito sa bahay nila.

Kung sa Sherlock, Jr. ay salbahe siya, dito naman daw ay mabait siya.

“Dito naman, may pagka-bano ang karakter ko. Protective sa pamilya pero aminadong lampa, parang ganu’n,” sey pa ni Matt.