Matteo, Rayver nagturuan

After 12 years ay ikinasal na kahapon sa Manila Cathedral sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Best men ni Rodjun ang mga kapatid niyang sina Rayver at Omar Cruz.

Si Mak Tumang ang gumawa ng wedding gown ni Dianne at si Randy Ortiz ang may gawa ng suit ni Rodjun.

Kabilang sa bridesmaids ni Dianne sina Yasmien Kurdi, Andrea Torres, Max Collins at ang pinsan ng bride na si Maxine Medina.

Kabilang sa groomsmen sina Alden Richards, Kristoffer Martin, Matteo Guidicelli, Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, Marco Alcaraz, Arron Villaflor at Jose Sarasola.

Sa IG Stories ni Kristoffer ay nagtanong si Alden ng, “Sinong next (na ikakasal)?”

“Ako na nga lang! Charot!” sagot ni Kristoffer, na kasama sa wedding ang girlfie niya na si AC Banzon.

Sa IGS pa rin ni Tuntun ay pinagti-trip-an nila ang groom habang hinihintay nito ang pagdating ng bride nito sa may altar.

“Kabado, Sir?” sey ni Tuntun, na sinundot naman ni Alden ng, “Paiyak siya, eh. Parang tuta, eh!”

Tapos ay maririnig mo sa background ang mga kantiyaw kay Rodjun na, “Kaya mo ‘yan, bro! Iyak mo ‘yan, bro!” tapos ay nagtatawanan ang mga boys.

Aliw din ang mga pa-IG Stories ni Joross. Paglapit nito kay Matteo, sey ni Joross, “Ito ang next one,” tapos ay natawa si Matt at itinuro ang katabing si Rayver.

Tinuro pabalik ni Ray si Matt at ang sabi, “Next in line, this guy!” Ang cute nina Rayver at Matteo, na close friends kahit minsan ding minahal ni Ray si Sarah Geronimo, na fiancée na ngayon ni Matty.

Paglapit ni Joross kay Alden, tanong nito, “Ikaw, kailan ka?” tapos ay nag-isip lang kunwari ang Kapuso heartthrob.

After the wedding, mas aliw ang pag-iikot ni Joross doon sa simbahan, na kunwari ay nag-iisip ito kung sino ang susunod kina Rodjun at Dianne.

“Sino kayang next?” tapos ay kinunan niya ang nasa likod niya na sina EA and girlfriend Shaira Diaz. Smile lang ang magsyota.

Kinunan din ng celfone camera ni Joross si Rayver at ang nobya nitong si Janine Gutierrez, na natawa lang sa tanong ni Joross na, “Sino kayang next?”

Nahagip din ng kamera ni Joross ang mag-sweetheart na Ruru Madrid at Bianca Umali, na natawa rin sa tanong ni Joross na, “Sino kayang sunod na ikakasal?”

Ang lakas ng hiyawan before and after nag-kiss ng newlyweds. Medyo matagal ang halik ni RJ sa lips ni Dianne, tapos ay kiniss din niya ito sa noo.

Ang bongga ng dalawa dahil bago pa sila ikinasal ay may sarili na silang bahay. Bale inabot ng 1 year and 6 months ang dream house nila bago natapos.

Pinagtrabahuhan daw ito nang husto nina Dianne at Rodjun. Katas ito ng mga segue-segue nilang trabaho.

Napa-house blessing na nila ang nasabing bahay sa Quezon City, na isinabay sa despedida de soltera ni Dianne. Buhay pa pala ang madir ni Rodjun nang ipa-groundbreaking nila ito.

Tatlong floors ang bahay na may swimming pool, sariling gym at home theater.

Nandu’n na ang mga gamit nila at ready nang lipatan kaya doon na sila tutuloy after nilang ikasal.

Congrats and best wishes kina Mr. & Mrs. Rodolfo Othello Ilustre!!!

Maine-Arjo bitin ang bakasyon

First anniversary pala kahapon ng mag-sweetheart na Maine Mendoza at Arjo Atayde kaya nagpunta sila ng beach para mag-celebrate.

Picture of a happy couple ang ArMaine habang nasa yate at background nila ang dagat.

Siguradong bitin si Maine sa bakasyon niyang ‘yon with Arjo dahil kailangan niyang bumalik para maka-join sa Parade of Stars ngayong hapon sa BGC.

Siyempre, hindi puwedeng wala si Maine sa float ng MMFF 2019 entry ni Vic Sotto na “Mission Unstapabol: The Don Identity”.

Nu’ng Friday ay may pa-bikini pic si Maine sa beach, na ang daming nagreak dahil ang sexy raw nito.

Tamis-tamisan ang post ni Arjo na holding hands sila sa may beach at may pa-“I love you” ito at “Thank you for everything, babs.”

Taruzsh! One year na ang pag-iibigan ng dalawa kahit may mga ilan pa rin na hindi tanggap si Arjo at may iba silang gusto para kay Maine.

PAK!!