Matteo tinakasan ang director para kay Sarah

Agree ang Viva producer na si Vincent del Rosario na pagsamahin sa pelikula ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

“Laging naiisip yun dito na magandang magsama sila,” pakli ng produ

Pero isiniwalat ng produ na matapos ang concert ni Sarah ay humiling siya na magpahinga muna ng sandali. Basta’t tuloy muna siya sa commitment sa The Voice Philippines.

Tungkol naman kay Matteo abala ito sa training para sa pagbibida niya sa Pedro Penduko.

Naikuwento nga n i direk Jason Paul Laxamana ang excitement at kakaibang saya ni Matteo matapos maikasal.

“Nag-acting workshop kami noong Tuesday. Ayon nagpaalam after kasi may gagawin sila ni Sarah,” pagbubuking niya .

Talbog!

Klinton pambato sa noontime show

Diretsong sinabi ng CEO at President ng CN Halimuyak na si Ma’am Nilda Tuason kung sino ang pinakamabangong aktres sa kanya.

“Parang ang gusto ko si Kim Chiu, eh. Kasi very low-profile siya tapos parang ‘pag nakikita ko siya… ayun nga parang napaka-baba lang niya, parang mabait na bata, simple lang siya . At saka hindi siya ‘yung suplada.Kahit hindi kakilala, parang madali siyang maka-connect.”

Pero isa sa pinapuri niyang brand ambassador ay ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start.

“Tinuring ko na kasi siyang anak eh, kasi wala akong bunso ngayon na kinakasama. Siyempre, dalas ko nang makasama. Tapos gusto ko lang sa araw na ito, sa araw ng kanyang kaarawan, nagkataon kasi na February 4 siya, February 5 ako, so parang magkarugtong kami (bituka).”

Nagugustuhan din niya ang ugali ng young actor na kapareho sa kanya .

“Ang tingin ko talaga sa kanya ay maganda siyang halimbawa ng isang kabataan, kasi sa murang edad marunong siyang magpahalaga lalo na sa mga taong nagmamahal sa kanya, sa mga kaibigan niya,” sambit pa ni Ma’am Nilda.

Speaking of Klinton, isa siya sa pambato sa noontime show ng SMAC Television Production entitled “ Yes Yes Show “. Mapapanood ito sa IBC 13 every Saturday from 11am to 1pm. Directed by Jay Garcia .

Kasama ni Klinton sa Yes Yes Show sina Justin Lee, Mateo San Juan, Rish Ramos, JB Paguio, Awra Briguela, Hashtag Jimboy Martin, Rayantha Leigh,Kikay Mikay,Isiah Tiglao, Karen Reyes at Patrick Quiros.