PURING-PURI nina Christopher de Leon at Dina Bonnevie si Matteo Guidicelli na nakasama nila sa pelikulang Across the Crescent Moon.

Ang sabi ni Boyet, “He is very dedicated. Bow ako kay Matteo. There was a time na we were shooting, he was sick.

“Nanginginig na siya sa set. But he was willing to do anything, even his action scenes na walang double. Kahit may trangkaso na siya.

“Even his Tausug lines, he was perfect with it. Actually, ako nga ang medyo nag-i-stammer.

“So, I would see his dedication and his passion for his work. He’s really into his career. I get my inspiration from these actors na even if they’re sick, sige pa rin.

“Ako, lagnat lang, magpapa-packup na ako. Siya, hindi. Hindi lang sinat, trangkaso talaga!”

Dagdag ni Dina, “Alam mo, maraming young stars, malaki ang ulo. Si Matteo, he’s so humble.

“Sobrang humble and his emotional quotient is so high, na talagang he feels his role and very observant siya.

“He’s willing to learn and that’s what I like about him. He’s such a gentleman, very sweet and no ere.”

Sinang-ayunan ‘yon ni Papa Bo at sinabing bukod sa humble ay very accommodating at gracious si Matt. At hanga siya sa pagiging magalang nito.

***

Christopher de Leon at Sandy Andolong
Christopher de Leon at Sandy Andolong

Abut-abot ang pasasalamat ni Matteo sa da­lawang batikang artista na panay ang puri sa kanya.

Sumigaw siya ng “I love you, Tito!” kay ­Boyet, tapos ay tumayo si Matty para yakapin at magtenkyu sa dalawang co-stars niya.

Ang sabi ng Kapamil­ya actor, dream come true para sa kanya ang makatrabaho ang nirerespetong leading man at ‘the actor’ na si Christopher de Leon.

Sa set ay tina-try niya to act normal pero sobrang starstruck siya kay Papa Bo at isang honor na makatrabaho ito.

Nagpasalamat siya sa pagiging patient nito at makasama lang niya ito sa eksena ay ang dami na niyang natutunan.

Mag-ama ang role nila sa pelikula. Ang gumaganap na ina ni Matt ay ang real life wife ni Boyet na si Sandy. Mga Muslim sila kaya nag-shoot pa sila sa Tawi-Tawi.

Ani Boyet, ang tagal na niya sa industriya pero first time niyang gumanap bilang Muslim.

Kaya tinanggap niya ang role, bukod sa kaibigan niya ang writer-director nito na si Baby Nebrida.

Sa January 25 ang showing ng Across the Crescent Moon.

One Response

  1. Heroic sana pero kung maysakit wag nang pumasok sa trabaho at magkahawaan pa. Lalong big expenses, delays at kawawa naman ang ibang maliit ang sahod kung sila ay mahawaan – menos kita sila.