Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso, at ito ang nagpaparumi sa tao. Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang isipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa kasinungalingan, at paninirang-puri. Ang mga ito ang nagpaparumi sa tao. Ngunit ang kumain nang ‘di muna naghuhugas ng kamay sa paraang naaayon sa minanang turo ay hindi nakapagpaparumi sa tao.