SI Matthias Rhoads ang leading man ni Marian Rivera sa upcoming series niya na Super Ma’am sa GMA 7.

Nabigla ang baguhang aktor nang sumabak siya sa eksena kasama ang GMA Primetime Queen.

https://www.instagram.com/p/BT9CYQ-F0wV/?hl=en&taken-by=manilamatthias

Ani Matthias, ­“Marian is kind of ­slapping and hitting me at the moment because our introduction isn’t so ideal.”

Isa si Matthias sa GAYA Boys ng Meant To Be ni Barbie Forteza.

Siya ang Groom sa patok na Valentine commercial (THE VOW) ng Jollibee nong Pebrero.
‘Di ba, Tito Rex Belarmino?

***

10-5-3-2-2-2 ang labanan sa Maskara King 2 mamayang 9:00 PM sa One 690, Lot 39 Roces Av., Quezon City (tapat ng Amoranto Sports Complex).

Ibig sabihin, anim ang winners sa paligsahan. P10,000 ang nakalaan sa kampeon.

P5K ang makakamit ng 1st runner-up, samantalang P3K ang nakalaan sa 2nd runner-up.
Ang tatlo pang nasa Magic 6 ay tatanggap ng P2K bawa’t isa.

Pangako ng organi­zer na si Maecy Codamon (0935-145-3859), walang avian flu ang angry birds na magpapakitang-gilas dito.

Ang tiket ay P300 at P500.

***

Fabulous ang production values ng On Top 3 mamayang 9:00 PM sa The Music Hall, MET­ROWALK, Meralco Av., Pasig City (malapit sa Ortigas Ave.).

B-day presentation ito ni Bembem Kho aka Michael Espanto (0929-858-2390), kaya kinarir niya ang mga pasavogue dito.

Iho-host ito nina Bekimon at Jelly Joyce.
Panauhin ang Alab Poi Dancers at The Elite Pioneers.

May natatanging segment ang BEM Elite Models.
Karamihan sa 19 contenders ay fresh faces.

Ang tiket ay P500.

***

Grabe ang episode ng Dear Uge bukas na pagbibidahan nina Chynna Ortaleza, Ashley Rivera at Jackie Rice.

TRANSGENDER women na nagkainggitan ang karakter nila.
Nakakalukring!

Meron kaya silang pa-bukol?

***

#squadgoals na ang turing ni Dennis Trillo sa mga stunt men niya sa Mulawin vs Ravena.
Nakakatuwa ang pagkakatulad ng kanilang mga suot na pinost ni Dennis sa socmed.

Pero squad goals pa rin kaya ang turing ni Dennis sa kanila kung ­tila umanib na siya sa mga Mulawin?

Sa Kapuso telefantasya kasi, ang karakter niyang si Gabriel muna ang hinirang na hari ng mga Mulawin dahil sa ginawa ni Rafael (Kiko Estrada) kay Almiro (Derrick Monasterio).

***

Ang sweet ng latest post ni Rocco Nacino sa sa social media tungkol sa kanyang dating co-stars sa Encantadia.

Ani Rocco, nami-miss na niya ang mga ito lalo na ang mga bonding nila in-between takes.

Busy na kasi masyado si Rocco dahil sa GMA Afternoon Prime series nila ni Sanya Lopez na Haplos.