Matututo rin si Duterte

rodrigo-duterte

Umapela kahapon si Sen. Panfilo Lacson na bigyan ng pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte upang magbago at maging isang statesman.

Ito ang iginiit ni Lacson matapos mapasabak sa word war si Pangulong Duterte sa “honeymoon ­period” nito sa puwesto.

Naniniwala si Lacson na mawawala rin ang pagi­ging buntangero at palaaway ni Duterte tulad ng administrasyon nina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Joseph Estrada na natagalan din bago nakapag-adjust.

“The President has often publicly admitted being rustic, brutally frank, even unmindful of other people’s opinion of him. And that actually is how he describes himself.

One and a half months as President won’t transform him into a statesman that Filipinos have become accustomed to seeing upon assumption of office. We saw it in FVR, Erap, and practically ­everybody else who ascended Malacañang,” ani Lacson.

Kahit na masasabing matanda na si Duterte, umaasa­ pa si Lacson na matuturuan ito para sa ika­bubuti ng sambayanang Pilipino.