Kagaya ng lahat, good news na lang ang inaabanagan ni volleyball star Tyler-Marie Kalei Mau lalo na ngayon sa kasagsagan ng coronavirus disease pandemic.

Bagama’t may kinakaharap na krisis, pasalamat pa rin ang 24-year-olf, 6-foot-1 F2 Logistics Cargo Movers ace spiker sa Philippine SuperLiga (PSL) sa mga frontliner na mga lumalaban kontra COVID-19.

“How I wake up every morning just waiting to hear some good news.. still I am thankful for our frontliners and patiently waiting at home for the world to be safe again,” caption ng Fil-Am volleybelle sa kanyang Instagram account noong Linggo ng gabi.

Pormal nang kinansela ng PSL ang eight season-opening conference Grand Prix ilang araw pa lang ang nakakalipas dahil sa enhanced community quarantine dulot ng nasabing sakit na nakaapekto na sa buong mundo. (Janiel Abby Toralba)