MAUREEN, BAGAY KAY COCO

Maureen Wroblewitz

HAVEY: Maganda ang rehistro ni Maureen Wroblewitz sa kanyang television interviews after winning the top prize sa recent Asia’s Next Top Model Cycle 5.

Very charming and driven — at kahit na napakaamo ng mukha, mukhang hindi siya magpapatalbog at magpapa-discriminate sa mga kasamahan niya kahit marami sa kanila ay dina-down siya at manamaliit.

Dahil sa angking fighting spirit ay mukhang malayo ang mararating ni Maureen na parehong binisita ang Kapuso at Kapamilya networks last week.

Next year pa lilipad papuntang London si Maureen kung saan siya may modeling contract.

Ang tanong, will she be open to embarking on a showbiz career dito sa bansa? After all, maganda at fresh ang kanyang dating and the cameras love her.

Would it be possible na siya ang makuhang isa pang leading lady ni Coco Martin sa kanyang Metro Manila Film Festival entry na Ang Panday kasama ni Mariel de Leon?

It is really not a far-fetched possibility.

***

WALEY: May isang singer-actor na hindi kasikatan who has truly gone around.

Sayang…

Imbes na magmarka siya sa kanyang pagiging mahusay sa pagkanta o pagiging mahusay sa teatro, ang kanyang mga kalukadidang ang pinag-uusapan.

Na kesyo siya ang kept boy ng isang sikat na aktor. Na sobrang na-in love siya doon na kahit ang iba pang nakarelasyon ng naturang aktor ay pinagkakausap niya.

At matagal siyang naka-move on from that relationship, bago siya nakahanap ng isang fellow theater actor din.

Short-lived ang relasyon na ‘yun, at ngayon, the rampaging macho gay ay tuloy sa pagpe-flex ng kanyang muscles at pagkakalat ng kanyang berdeng dugo.

Natsitsismis siya sa isa namang businessman na may kinalaman din sa showbiz.

Oh well, kahit saan pa man siya mapunta… sa ending, hindi pa rin niya makalimutan ang kanyang great love, ang sikat na aktor na ipinagpalit sa mga ERS — or seemingly commonERS, workERS at itsura at kartada laborERS.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.