Maureen, JK Labajo umaming magdyowa

Nakumpirma naming magsyota na sina JK Labajo at Maureen Wroblewitz matapos naming ma-ambush interview ang dalawa sa 80th birthday party ni Mo-ther Lily Monteverde nu’ng Lunes sa 38 Valencia Events Place.

Ang sabi sa amin ni JK ay nakaray lang siya ni Maureen doon sa party. Wala naman daw siyang schedule that night at may libre raw pagkain kaya sumama siya.

Nu’ng una ay kiye-meng walang naririnig si JK nang usisain namin kung sila ba ni Maureen, pero umamin din siyang masaya silang dalawa. Hindi niya rin daw alam kung bakit nagwu-work kung anuman ‘yung meron sila.
Malapit ang manager ni Mau na si Rex Belarmino kina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti ng Reality Entertainment kaya nakatakdang gumawa rito ng pelikula ang magandang Fil-German model.

Tinanong namin si JK kung willing siyang maging kapareha ni Maureen sa gagawin nitong movie at ang sabi ng “Buwan” singer ay open daw siya with anything, pero depende raw ‘yon sa management niya na MCA Music at Star Magic.

Si Maureen ay open sa idea na ‘yon at tinawag pa nitong ‘great actor’ si JK, na in fairness ay umarte rin noon sa mga teleserye bago ito nag-focus sa singing career nito.

Aminado si Mau na baguhan lang siya at wala pa siyang experience sa pag-arte samantalang si JK daw ay meron na at alam niyang passionate ito, so bet niya ‘yung idea na maging leading man ito kung sakali.

Na-touch si JK sa sinabi ni Mau at ang sabi nito, “Yeah, I’m fine with anything,” na may kasamang smile.

Nang tanungin namin nang diretso si Maureen kung sila ba ni JK, ang safe answer ng tisay na dalaga ay they just want to keep things private, pero inamin niyang they’re happy together habang halatang kinikilig.

21-anyos si Mau at 18-anyos naman si JK. Nagwu-work daw ‘yung tandem nila because they’re so opposite at sabi nga, opposites attract, sey ni Maureen.

May image si Juan Karlos na mainitin ang ulo at sabi ni Mau, artist daw kasi ito na maraming tumatakbo sa isip at very creative. So minsan daw ay may mood ito, but we’re all human naman daw na may good and bad days.

Gusto raw nilang maging private pero nakikita naman sa social media na nagpupunta sila sa Boracay at kung saan-saan pa, so parang ganu’n na rin ‘yon, ‘di ba? Obvious namang sila talaga.

“Yeah, of course, of course,” natatawang sey ng dating “Eat Bulaga” girl na si Maureen, na kaisa-isang pina-follow ni JK sa Instagram.

Happy ba siya with JK?
“Yeah, I’m happy naman.”
Wala silang problema?
“Wala, wala,” nakangiting sey ng tisay na da-laga.
Si JK ba, happy rin with Maureen?
“Oo, siyempre naman,” sagot sa amin ni JK, tapos ay palambing na dumikit sa kanya ang kinilig na si Maureen.
Wow! Ang tamis! ‘Yun na!

PAK!!

Tam*d ni Marco lulunukin lahat

Parehong Graded B ng CEB ang dalawang local films na magbubukas sa mga sinehan ngayong araw na ito na in fairness ay magandang playdate dahil holiday.

Ang sabi sa amin ng bida ng “Mina-Anud” ng Regal Films na si Dennis Trillo, nakakatuwa na may magagandang pelikulang Pinoy na palabas at puwedeng pagpilian ng mga manonood.

Very proud si Dennis at ang buong cast ng “Mina-Anud” na third time na niyang napanood nu’ng celebrity premiere nila last Monday.

Gaya sa CCP premiere nila ay hindi ulit nakadalo ang girlfie ni Dennis na si Jennylyn Mercado dahil may taping ito. Originally daw ay Friday ang preem nila at free sana si Jen kaya lang ay naging Monday, so hindi na ito puwede.
Okey lang daw, sey ni Dennis, manonood na lang sila ngayong showing na ito.

Ang bida naman ng “Just A Stranger” na si Anne Curtis ay nga-yong regular showing na lang din yayayaing manood ang husband niyang si Erwan Heussaff.

Hindi na niya ito isinama sa premiere night nu’ng Monday dahil hindi raw ito sanay sa maraming tao pati na sa mga press na nagkakagulo para mag-interview.

Actually, nakakatuwa si Erwan dahil sinasakyan nito ang mga biruan kina Anne at Marco Gumabao na leading man nito sa nasabing sexy drama movie.

Sa IG post ni Anne ng intimate pic nila ni Marco na may caption na, “We’re going to pay for this…” ay nag-comment ang mister niya ng, “If you both are willing to pay for this, I take cash or bitcoin.”

Naaliw naman kami kay Marco dahil sa isang video na pinost ng Viva ay game na game niyang binasa ‘yung mga ‘thirst tweet’ sa kanya kabilang ‘yung mahalay na, “Sarap talagang himurin at dilaan nitong si Marco Gumabao. Lulunukin ko lahat ng tam*d mo!” sabay tawa.
Ha! Ha! Ha!