Maureen lutang ang karisma

Kung meron mang dumadagdag para uminit sa tag-ulan, ito ay ang Asia’s Next Top Model 2017 na si Maureen Wroblewitz.

Nagkalat ang mga sexy bikini shot ng Fil-German model sa social media.

Walang intensyong mang-akit ng netizen si Maureen.

Pero hindi maiwasang hindi mapansin ang kaseksihan ng dalaga dahil nakalatag na parang isang masarap na putahe ang kanyang alindog sa kanyang Instagram wall.

Naturalesa ng mga Pinoy na mabighani sa isang mestisahin, dahil sa colonial at western influence na magaganda at kaakit-akit ang mga puti.

Isa nang pantawid ng gutom ng kanilang mga puson ang gaya ni Maureen na hindi lang saksakan ng ganda kundi certified “wowowin” sa kaseksihan.

Ang isa sa mga quality na nakakapagpa-ulol sa kalalakihang Pinoy ay ang kakaibang karisma o appeal ng dating “Eat Bulaga” host.

Taglay nito ang innocent face na gustong-gustong alagaan ng kalala­kihan.

Naghuhubad man sa social media, ang amo-amo ng mukha ni Maureen na parang isang birheng hindi pa nadu-donselya.

Sino ba namang lalaki ang hindi magnanais na alagaan at ingatan ang isang dalagang mukhang wala pang karanasan?

Pasok na pasok sa panlasa ng mga barako ang total beauty package ni Maureen.

Pagsamahin man ang mga lahat ng mestisahing­ mga aktres sa showbiz, lulutang pa rin ang ganda at kaseksihan ni Maureen. (Rey Pumaloy)