
Ang “Asia’s Next Top Model” winner at ngayon ay “Eat Bulaga” host na si Maureen Wroblewitz at si JK Labajo ay playing beautiful music together?
Hindi puwedeng ikaila na sikat na sikat si Labajo sa kasalukuyan dahil nga ang awit niyang “Buwan” ay national anthem ng mga millennial at Generation Xer.
Ang bathalumang si Wroblewitz rin ang leading lady ni JK sa video nito at kamakailan, iprinoklama ng binata, na hindi ko sure kung maayos na ang pakikitungo nila ni Darren Espanto sa isa’t isa, na ang dalaga ang kanyang buwan sa kanyang social media site.
Red heart emoticon naman ang reaksyon ni Maureen sa pahayag ni JK. Hindi ba, kakaiba at may hatid na kilig ang millennial declaration of affection na ganito?
***
Arjo sagot sa dasal ni Maine
Ang isa pang may hindi mapigilang deklarasyon ng kilig ay nagmula rin sa isang EB host, ang Philippine Sweetheart Maine Mendoza para sa former EB host rin, si Ciara Sotto.
Ibinahagi ni Ciara ang larawan niya kasama ang kanyang mahal. Si Maine, happy Valentine greeting ang naging reaksyon sa larawan.
Happy hearts day rin ang greeting ni Sotto kay Mendoza at ang hashtag niyang, “#answered na prayers natin,” para ba kay Ciara ito na ang sagot sa kanyang dasal, at si Nicomaine ay kasama rin sa mga nanalangin para sa kanyang ate, ay pinagbigyan na?
O ang answered prayer na ito ay para sa Philippine Sweetheart? Ang hashtag ba ni Sotto ay isang kumpirmasyon na ang sagot din sa dasal ni Maine ay si Arjo Atayde? Masyado bang mapaglaro ang imahinasyon ng inyong diva that you love kaya may nakikita akong iba sa hashtag na pinakawalan ni Sotto?
Whatever is the case, ang importante, maligayang-maligaya sina Ciara Sotto at Maine Mendoza.
Abangan na lang natin ang pagbabalik ni Arjo Atayde mula sa Amerika kung may development siyang buong tapang na ibabahagi patungkol sa kanila ni Maine Mendoza.