HINDI makapaniwala ang mga taga-Prima Stella na nagma-manage kay Maureen Wroblewitz na dinagsa ng napakaraming tao ang meet and greet ng Asia’s Next Top Model sa SM Makati nu’ng Sabado ng hapon.
2:00 PM ang simula ng event pero in-announce nila na magbubukas ang registration ng 10:00 AM.
9:00 AM, sarado pa ang SM Makati, pero ang haba na ng pila sa labas para makauna sa registration.
Nasubaybayan ito ng Kapuso young actor na si Ruru Madrid at nagpadala ito ng mensahe sa manager ni Maureen kung type nitong mag-surprise doon sa event ng dalaga.
Huwag daw muna, sabi ng isa sa managers ni Maureen na si Chinie Go, at baka si Ruru na ang pagkaguluhan at hindi na si Maureen.
Biro lang daw iyun ni Ruru, pero aminado ang young actor na natutuwa siya sa mainit na pagtanggap ng fans ni Maureen.
Nagkakausap sila ng 19 y/o model at niyaya na niya itong mag-dinner, pero maghahanap lang daw ng swak na schedule.
“Hindi naman kaming dalawa lang. Kasama naman manager eh,” napangiting pahayag ni Ruru.
Aminado si Ruru na crush niya talaga si Maureen at kinikilig ito sa gusto ng fans na sana mag-partner din sila.
Pero alam niyang sa modeling muna naka-focus si Maureen dahil tutuparin pa nito ang mga natanguang commitments sa Asia’s Next Top Model.
Hindi sinagot ni Ruru kung balak nitong ligawan si Maureen
“Sabi kasi niya sa akin, career daw muna, eh. ‘Yun lagi sinasabi niya sa akin.
“Sabi niya, one year modeling muna siya, at mag-a-abroad daw siya.
“Siyempre, ‘yun ang napanalunan niya sa Asia’s Next Top Model, modeling eh,” saad ni Ruru.
Interesado si Maureen na mag-showbiz kapag tapos na ang commitments nito sa modeling.
Mukhang wala na kasing isusunod na project sa loveteam nila ni Gabbi Garcia kaya puwede ring si Maureen na kasunod niyang ka-loveteam.
Wala siyang masasabi pagdating sa career path ni Maureen. Pero sa ngayon ay nagsasama pa sila ni Gabbi, dahil loveteam pa rin sila sa Sunday Pinasaya.
May pinaghahandaan sina Ruru at Gabbi para sa second anniversary ng Sunday Pinasaya.
May malaking selebrasyon sila sa Linggo bilang pagtatapos ng isang buwang selebrasyon ng 2nd anniversary ng Sunday noontime variety show ng GMA 7.
pagkaguluhan si Ruru? Sikat? or feeling sikat?
Bitter, ikaw na ang sikat LMAO ???, kaya pala binasa mo kasi di mo siya kilala.
Binasa ko dahil kay Maureen..baliw.