Naniniwala ang ilang eksperto na walang failure­ of intelligence sa panig ng gobyerno kaya’t nakapaghasik ng lagim ang teroristang grupong Maute sa Marawi City.

Sinabi ng isang Singaporean political analyst na si Dr. Rohan Gunaratna na 2014 pa lamang ay public knowledge na ang presensya ng Maute Group sa rehiyon ng Mindanao.

Paliwanag ng eksperto, ang nakaraang adminis­trasyon ang nabigong kilalanin at aksyunan ang banta ng ISIS noong mga panahong nagre-recruit pa lamang ito ng mga miyembro.

Umabot, aniya, sa punto na mismong ang mga government at security officials ng nakaraang administrasyon ang nagsasabing walang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Nilinaw pa ni Gunaratna na hindi na isang ­extremist group ang Maute kundi isa nang full-pledged terrorist group.

Sang-ayon din ang analyst na napapanahon ang deklarasyon ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil mapipigilan nito ang pag-atake na binabalak ng teroristang grupo sa hinaharap.

3 Responses