Kaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na labanan ang Maute Group sa Marawi City kahit na walang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Ito ang inamin ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa mga senador nang magpaliwanag ito sa closed-door briefing nitong Lunes ng hapon na inabot ng higit sa tatlong oras.
Kumanta rin si Lorenzana na hindi niya inirekomenda ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
“Mismong ang mga nag-briefing sa amin ay umamin na kaya nilang sugpuin ang Maute sa Marawi kahit walang Martial Law kaya nga lang nakapagdesisyon na si Presidente.
Obligado silang mag-implementa,” paglalahad ni Sen. Risa Hontiveros sa ipinatawag na press briefing ng minority bloc sa Senado.
“Kung tama ang alaala ko si Secretary Lorenzana ang nagsabi nun,” sundot ni Hontiveros.
Idinagdag naman ni Sen. Antonio Trillanes IV na noong tanungin nila si Lorenzana at ang iba pang opisyal ng AFP na dumalo sa briefing, itinanggi nila na inirekomenda nila ang Martial Law sa Mindanao noong Marso 23.
“When asked, the security officials said ‘hindi sila ang nagrekomenda,” paglalahad ni Trillanes.
Dahil dito, itinutulak ng minority bloc ang resolusyon upang magkaroon ng joint session ang Kongreso upang mapag-usapan ang Martial Law declaration ni Pangulong Duterte.
Nilinaw naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi nila isinusulong ang revocation ng Martial Law sa inihaing resolusyon, kundi nais muna nilang magkaroon ng joint session ang Kongreso.
Talagang kaya ng AFP ang Maute dahil malakas ang pwersa ng mga sundalo natin ang problema lang sa presidente kung ano sinabi gusto agad masusunod at hindi man lamang nag kunsulta sa mga milatary basta na lang nag declare ng Martial Law at tapos ang terrorist na MNLF ay gusto pang isama sa AFP at parang gusto yata ni Duterte hawakan ng mga terrorist ang Camp Crame at Camp Aguinaldo or lahat ng kampo ng militar. Parang suspetsa ko ang mga MNLF na ang magiging milatary ng Pilipinas. Ibig sabihin nun ay magiging Communist country na ang pilipinas. Nagpunta lahat sa Russia tapos bigla agad lumusob ang mga Maute at gusto pang palabasin ni Duterte mga ISIS ang mga Maute group na kakampi ng MNLF. May plano sila kaya nagpunta sa Russia para mabigyan ng mga arms ang mga MNLF dahil ang mga sundalo natin ay marami ng high power guns from Aquino Government noon.
Wala kang alam magshabu ka nalang
anong kaya na kahit walang martial law? praning yata tong si lorenzana, kung kaya bakit umabot ng mahigit 1 week ang pagkubkob ng mauten yong marawi. para kang si ramos mayabang din
Walang magagawa sa utak diktador. May pangulo tayo na. Mabilis maniwala sa tsismis. Bulong ng mga hindi naman eksperto sa kanilang larangan