Ikinukunsidera na ng militar na isama sa listahan ng international terrorist groups ang bandidong grupo ng Maute.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na may koneksyon ang Maute Group sa ISIS.

Sinabi ni Año na ma­laki ang tulong ng pagdedeklara ng Martial Law ng Pangulo sa Mindanao para masupil hindi lamang ang Maute Group kundi maging ang iba pang malalaking grupo na sumusuporta rito.

“Nataon ang pagdedeklara ng Martial dahil nagagamit natin ‘yung special powers ng Martial Law para malabanan ang mga tero­ristang ito at maging ang iba pang mga tagasuporta nila,” dagdag pa ni Año.

Samantala, kabilang sa mga blocking force ng Philippine Army ang mga counter-sniper na panlaban sa mga sniper ng Maute Group habang lumilipat naman ng puwesto ang mga bandido ay nagsusunog sila ng mga istraktura para ikubli ang kanilang pag-atras.