Maute tuloy sa pagtatanim ng IED

Hindi pa rin nagpapatinag ang teroristang grupong Maute sa paglaban sa tropa ng pamahalaan sa loob ng main battle area sa Marawi City.

Ayon kay Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Rano, patuloy pa rin ang pagpapakalat ng mga terorista ng mga improvise explosive device (IED).

Sa kabila nito, sinabi ni Brawner na unti unti nang nakukuha ng mga pulis at sundalo ang ilang mga lugar na pinagkukutaan ng grupo.

Hindi man nagbibigay ng palugit, kumpiyansa pa rin si Brawner sa positibong resulta ng final push laban sa grupong Maute.

“Malaki ang paniniwala ng aming hanay na malapit nang matapos ang gulo sa Marawi dahil lumiliit na ang kanilang ginagalawan at kaya lang nasasabing hindi sila nauubos dahil pinipilit nilang lumaban sa militar ang kanilang mga bihag,” pahayag ni Brawner.