Wala pang nakakalusot na galamay ng Maute group sa kalakhang Maynila at iba pang parte ng bansa.
Ito ang nilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Restituto Padilla Jr. nang usisain ng media sa press briefing sa Malacañang kahapon kung may nakapasok ng mga miyembro ng Maute sa iba’t ibang panig ng bansa.
“Wala pa rin. Wala pa rin… there has been no concrete information that there are,” anang tagapagsalita ng AFP.
Samantala, itinanggi rin ng AFP spokesman ang impormasyon kaugnay sa diumano’y pagkakatagpo ng improvised explosive device (IED) sa isang mall sa Metro Manila.
“We have not received any information of that sort and from the reports that we gathered last night, there was nothing that mentioned anything about it. So it must have been fake,” ayon pa kay Padilla.