Winalis ng Team Sibol Pilipinas ang tatlong nakatayang medalyang gintong medalya sa ginanap na isang araw na Test Event ng 30th Southeast Asian Games 2019 sa nakarang Lunes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.
Isang magandang pangitain ang ipinakita ng TSP, ang pinagsama-samang miyembro ng pambansang koponan sa electronic sports o eSports, na asam na masungkit ng ikalawang pangkalahatang kampeonato ng bansa sa kada-dalawang taong SEA Games.
Nagwagi ang Team Sibol sa tatlong game title na Tekken 7, DoTA 2, at Mobile Legends: Bang Bang.
Makakaya kaya ng Sibol na magwagi ng tatlo pang gold medal sa tatlo pang game title ulit na Heartstone, Arena of Valor at Starcraft sa mismong aktuwal na pagsasagawa ng SEAG sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11?
Optimistiko si Andreij “Doujin” Albar na inangkin ang ginto para sa ‘Pinas sa Test Event. Madalas na niyang nakakatapat ang mga kalaban gaya ni MEAT ng Indonesia sa Tekken 7.
Minsan pang pinatunayan ng mga Pinoy gamer na isa ito sa powerhouse sa DoTA 2 sa pagwawagi sa Malaysia sa tatlong laro na kampeonato habang hindi nagpaiwan ang bansa laban sa Indonesia sa Mobile Legends: Bang Bang.
Nasaksihan mismo ng inyong lingkod ang Test Event na dinaluhan ng mga mahihilig din sa mga nasabing laro.
Tanging suporta lamang ang ating maibibigay sa pambansang koponan na sana ay makumpleto ang anim na gold sa SEAG.