Max at Andrea, ginulat si Rochelle sa BRIDAL SHOWER

Max Collins

BAGO maging ‘Mrs Solinap’ si Rochelle Pangilinan, mapapanood siya ng Road Trip sa Cagayan ngayong Linggo (August 6) nang 5:15 PM sa GMA 7.

Kasama niya sa adventure ang kanyang bridesmaids na sina Max Collins at Andrea Torres.

Despedida de soltera ang road trip na ito para kay Rochelle at kakutsaba sa kuwelang pasyalang ito sina Andrea at Max.

Sinulit ng magkakaibigan ang beach, at sumubok silang mag-water rafting sa Chico River.

Game silang nanghuli ng Forest Crab o Gamaro, at nangisda sa Punta Verde.

Kaabang-abang ang surprise bridal shower nina Max at Andrea para kay Rochelle!

Mayroon kasing special guest na ang initial ay ‘A’ at ‘S’’!