NAKITA na namin ang bumubuo ng entourage sa kasal nina Max Collins at Pancho Magno sa December 11 sa isang hotel sa Manila. 19 pairs of Principal Sponsors ang napili nila para maging ninong at ninang kabilang na rito sina GMA 7 bosses na sina Attorney Felipe L. Gozon, Gilberto Duavit. Jr., Felipe S. Yalong, Mother Lily Monteverde, Chavit Singsong, Ben Chan, Direk Maryo J. Delos Reyes, Direk Mark Reyes, Gabby Eigenmann and wife Apples Eigenmann, Perry Lansigan at Senator Manny Pacquiao and wife, Jinkee Pacquaio.
Gayundin ang mga GMA executives na sina Ms. Lilybeth Rasonable, Marivin Arayata, GMAAC head, Gigi Santiago-Lara, former GMA exec, Wilma Galvante.
Tatlo ang tatayong Best Men ni Pancho, ang mga kapatid niya at kaibigan at walo naman ang Maids of Honor ni Max kabilang ang mga bff niya sa showbiz na sina Andrea Torres, Rochelle Pangilinan at mga pinsan na sina Lauren Young at Megan Young.
Parehong baptized Christian sina Max at Pancho kaya ang kanilang kasal ay sa pamamagitan ng isang Christian wedding ceremony.
Sa ngayon, kahit nagsisimula na sa bagong primetime series niya si Max, hands-on pa rin ito sa pag-aasikaso sa mga detalye ng kanilang kasal.