WebClick Tracer

Maxene sumeksi sa yoga – Abante Tonite
Skip to content
Abante Tonite
  • NEWS
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • BLIND ITEM
  • OPINION
  • LIFESTYLE
  • HOROSCOPE

Maxene sumeksi sa yoga

Sep 21, 2019 (Sep 20, 2019) X Y

Tila issue para sa ilang tagasubaybay ng Kapamilya aktres na si Maxene Magalona ang kanyang pagiging slim na sa tingin ng iba ay nagiging skinny na siya. Kapansin-pansin ito sa latest post ng aktres sa kanyang Instagram account na mabibistahan ang balingkinitan niyang katawan sa suot na two piece outfit ng aktres.

Pero nilinaw ni Maxene na okay siya at walang problema sa kanya.

Ipinahayag ng aktres na ang kanyang pagiging slim ay bunga ng healthy living, partikular ang pagyo-yoga niya araw-araw. Although, base sa naturalesa ng aktres, talagang slim at hindi tabain si Maxene kahit na noong nag-mature na ang dating child actress na nagsimula ang showbiz career sa defunct show na “Ang TV”.

Sa mga lalaking dead na dead at takam na takam sa mga babaeng cute na petit, pasok na pasok sa kanilang listahan ang anak na ito ng master rapper na si Francis Magalona. Masasabi ngang hot and spicy si Maxene, kahit medyo skinny siya.

Maikukumpara ang kariktan ni Maxene sa magagandang orchids na hindi basta-basta dahil may class siya at mamahalin ang dating.

Bukod sa kanyang flawless na kutis, may natatanging ganda si Maxene na maituturing na kabilang sa puhunan niya sa mundo ng showbiz. Kaya pak na pak talaga ang kanyang alindog sa maraming kalalakihan at sure kami na maraming kababaihan naman ang gustong maging peg ang awra at beauty ng aktres. (Nonie Nicasio)

Showbiz, Showbiz Stories Instagram account, Kapamilya aktres, Maxene Magalona

Post navigation

 Julie Anne keber na unang naka-move on si BenjaminSakit ng ulo si Tugade 
Copyright © 2018 | Powered by WordPress. proBD - by Keramot UL Islam