Nilunsad sa nakalipas na na Sabado, Mayo 11 ang Barangay 76-A Summer Futsal Clinic sa S.I.R. Phase 1 Gym, Matina, Davao City kung saan 200 bata ang mga lumahok.
Para kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond A. Maxey na nanguna sa opening ceremony, masaya ang mga kabataan na makisali sa sports program sa pamamagitan ng barangay-based clinics.
“It is the mandate of President Rodrigo R. Duterte to provide opportunities and bring sports to the barangays through clinics and tournament. Forgive us to have only come now),” ani Maxey.
Ilan sa mga kalahok ay mula sa S.I.R. 1 at 2, Kabacan, Times Beach, Bucana at Isla Verde na pinangunahan din ni PSC coordinator at Davao Aguilas Football Club (FC) coach Melchor P. Anzures.
Kasama rin sa programa ang Davao South Regional Football Association, Football for Humanity and Maharlika Sports Foundation, Inc. at Barangay 76-A officials sa pamumuno ni barangay captain Rolando Trajera.
Pagkatapos ng clinic, binahagi rin ni Azures na magkakaroon ng isang two-day tournament sa Mayo 22-23 at juggling at accuracy competition sa Mayo 24.
Inaasahang pangungunahan naman ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez bilang keynote speaker ang awarding at closing ceremonies sa Mayo 25. (Janiel Abby Toralba)