Ano kayang kinakain nitong si Maxine Medina? Tila mas gusto niyang maghubad kaysa magdamit.
Nakakapag-init kaya ng katawan, nakakapagpapawis ng klima kaya ninais niyang mag-two piece bikini na lang?
Muling pinukaw ni Maxine ang kanyang mga follower sa Instagram sa suot niyang makitid na bikini swimsuit.
Nakakaloka ang kaseksihan ni Maxine. Anumang anggulo ay nakakapagpanuyo ng lalamunan.
Mukhang game naman ang actress-beauty queen na maging instrumento na pagaanin ang pakiramdam ng mga lalaking nalulumbay sa buhay.
In fairness naman kasi, sumasagitsit ang appeal niya.
Kakain ng alikabok ang sinumang millennial na tatapat sa kanyang maangas na sexiness. (Rey Pumaloy)