PUSPUSAN na ang paghahanda para sa Miss Universe na gaganapin dito sa atin sa January 30, 2017.
Kamakalawa ay nagkaroon na ng audition para sa on ground host sa ilang segments ng Miss Universe.
Ilan sa mga nag-audition ay mga dating beauty queen na magaling sa hosting.
Ang pambato natin sa Miss U na si Maxine Medina ay halos isang buwan na siyang naghahanda.
Marami na siyang sinimulang pag-aralan bilang paghahanda sa naturang patimpalak dahil malaking challenge sa kanya na dito sa ating bansa gaganapin ang Miss Universe.
“Of course, fitness, communications, social etiquette at siyempre ngayon, nagre-review ako ng history about Philippines.

“And of course, pag nagta-travel ako out of town, nag-aalam na ako ng kung ano ang puwede kong i-share sa mga delegates,” pahayag ng Binibining Pilipinas-Universe na ibinahagi kung ano ang mga sinimulan niyang paghandaaan.
Pinaghahandaan niya nang husto ang question and answer portion.
Aminado siyang hanggang ngayon ay may bashers pa rin siya at kung anu-anong panlalait ang ibinabato sa kanya, pero hindi raw siya nagpapaapekto.
“Sanay na ako ngayon, eh,” pakli ni Maxine.
“Tini-take ko sila as my stepping stone for my accomplishments. For me, mas masarap pakinggan para mas alam ko ‘yung mga weaknesses ko.
“I’m learning to embrace everything,” dagdag na pahayag ni Maxine.
Naisip niya noon na baka mas mahirapan siya dahil dito sa sariling bansa gaganapin pero punung-puno siya ng confidence na makukuha niya ang Miss Universe crown.
Iba raw ang feeling na dito mangyayari sa sariling bansa.
“Mas masaya kung uulitin natin kung ano ang mangyayari sa Las Vegas, at si Pia (Wurtzbach) pa ang magka-crown sa akin if ever.
“Iba ang feeling kung makikita ng mga tao na nasa harapan nila ‘yung another Ms. Philippines na maging Ms. Universe,” buong giting na pahayag ni Maxine.
Laging ipinagdarasal niyang makamit niya ito. Nandiyan ang rosaryo na lagi niyang dala-dala na bigay ng Mommy niya noong bata pa siya.
***
Kahit naka-focus ang karamihan sa Ms. Universe 2016, hindi naapektuhan ang Miss Global 2016 na dito gaganapin sa atin.
Sa September 24 na ang finals night kung saan apatnapung bansa ang kasali para sa Miss Global 2016 crown.
Ipinakilala na sila sa media kamakalawa lang at ilan sa mukhang may laban ay ang kandidata ng India, Iran, Cambodia at Brazil.
Ang kandidata natin ay si Camille Hirro na Magna Cum Laude ng UP at kampanteng may laban sa question and answer portion.
Malaki ang pasasalamat ng CEO at National Pageant Director ng Miss Global 2016 na si Pauline Sofia Laping sa PNP Chief Gen. Ronald ‘Bato’ de la Rosa dahil sa security na ibinigay sa kanilang mga kandidata.
“Nag-courtesy visit kami sa kanya. Sabi ko, we need help pagdating sa aming security.
“The next day, nagpadala si PNP Bato ng police security.
“Gusto pa nga niya magpadala ng firetruck at para sa emergency, pero sabi ko, hindi na kailangan.
“Kasi, sobra na rin at naka-park lang na wala namang ginagawa. Mas marami naman kailangan ng fire security kesa sa amin. If it’s needed na lang kung may emergency.
“Inaalam na niya kung saan ang location na pinupuntahan namin, pinapapuntahan na niya ng police security,” pahayag ni Pauline Laping.
Ang pagkakaalam niya, isa sa uupong judge si Gen. Bato, pero hindi pa niya sure kung confirmed ito.
Ang isa sa nagkumpirmang magdya-judge ay si Sen. Manny Pacquiao.
Sa PICC ang finals night na ihu-host nina Derrick Monasterio at Ms. Universe 2005 Natalie Glebova. Mapapanood ito sa GMA News TV after two weeks.
***
Patuloy lang po kayo sa pagtutok sa aming showbiz radio program sa DZRH, ang Showbiz Talk Ganern.
Kasama ko po rito si Morly Alinio. Mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 hanggang 7:30 nang gabi po ito at meron din kami sa Linggo nang 9:00-10:00 PM.
Bukod sa AM radio, mapapanood din ang lahat na programa ng DZRH sa Cignal TV channel 18 at simula ngayong araw, nasa Skycable na rin kami Channel 129.
MAHIRAP MANALO SUNOD SUNOD AN PINAS.