NAALIW kami sa reaksyon ni Manong Chavit Singson sa paniniwala ng marami na kung dito sa Pilipinas gagawin ang susunod na Miss Universe pageant ay malabong manalo ang ating kandidata na si Maria Mika Maxine Medina.
Sang-ayon ba siya roon?
“Parang ganu’n na nga, unless magandang-maganda. Kasi…”
Kasi, maakusahan tayo na LUTONG MACAU ganu’n ba?
“Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako!” natatawang buwelta sa amin ni Manong Chavit.
Ganu’n kasi talaga ang kaisipang Pinoy. Kapag dito ginanap sa atin at nanalo tayo, ang sasabihin ay hometown decision o ‘Lutong Macau’ (niluto ang resulta), ‘di ba?
“Pero hindi rin naman. Maganda naman siya (Maxine), eh. Baka may panalo rin.
“Kasi, depende naman ‘yon sa judges, eh. At ang judges naman (sa Miss U), hindi mga tagarito, eh.”
Hindi pa raw nami-meet ni Gov (tawag pa rin kay Chavit kahit matagal na siyang hindi gobernador ng Ilocos Sur) in person ang pambato nating si Maxine Medina.
Sa pictures niya pa lang ito nakikita at maganda raw ang interior designer nating kandidata sa Miss U.
***
Si Manong Chavit ang punong-abala sa pagbuo ng $12M cash na ibibigay ng bansa natin sa Miss Universe organizers upang dito sa ‘Pinas ganapin ang nasabing beauty pageant.
Alam niyang mahirap bumalik ang $12M na ‘yon, pero sana raw ay kumita rin siya kahit maliit lang.
Walang gagastusin dito ang gobyerno, makikipag-partner lang sila sa Department of Tourism na magko-coordinate ng lahat.
Almost done deal nang sa January 2017 gaganapin dito sa atin ang Miss U. Formalities na lang.
Nag-commit si Manong Chavit dahil alam niyang maganda ito para sa ating ekonomiya.
Bilang isang global TV event ang Miss U, gusto ni Manong Chavit na maipakita sa pageant ang tourist spots ng ‘Pinas, kasama na roon ang bayan niyang Ilocos Sur.
Plano niyang dalhin sa Ilocos ang mga kandidata.
Handa na ang gagamiting eroplano, yate at bus, na kung tawagin ni Gov ay party airplane, party yacht at party bus, na parang walang puknat na party ang magaganap.
***
Bukod sa pagiging aligaga sa Miss U, balak din ni Manong Chavit na magbalik sa pagpo-produce ng pelikula.
Gusto niyang buhayin ang dating film outfit ng pamilya niya na Northern Star Productions.
Ang suggestion namin sa kanya, ‘yung mananalong Miss Universe kapalit ni Pia Wurtzbach ay gawan niya ng pelikula. Parang si Dayanara Torres noon na tumira dito, nagkaroon ng showbiz career at naging nobya pa ni Aga Muhlach.
Okey kay Gov ang nasabing idea, sana lang daw ay tanggapin ito ng magiging title holder kung sakali.
Personally, maliit talaga ang chance ng bet natin for this year’s Miss U.
Miss U formula: Beauty + Brain + Bababoom na dyoga = Miss U!
Si Maxine, Beauty lang. Less ang Brain at small cap ang dyoga = TYG (as in “Thank You Girl”)