Meron bang gustong patunayan si Maxine Medina? Talaga namang umaapoy sa init ang kanyang mga seksing larawan sa social media.

Parang sunog ang mga larawan ng beauty queen na kuha sa isang island resort. Talaga namang nakakapaso ang kanyang alindog.

Mistulang nagbabaga ang kaseksihan si Maxine na kapag nahawakan ng sinuman ay mag-iinit. Nakakadarang ang kanyang alindog. Mapapakagat-labi ang mga lalakeng makakakita sa kanya.

Ito ang isa sa magandang katangian ni ­Maxine. Nag-umpisa siyang parang isang mahinhing dalaga sa pagrampa niya sa sa Miss Universe 2016. Nagnga­ngalit talaga ang karisma nito, lalo na’t ibinalandra niya sa socmed ang kanyang wankata.

Maging sa kanyang pagsasalita at pagkilos animo’y isang pagka­tamis-tamis na bagong pitas na prutas.

Pero dahil nga sa impluwensya ng pagiging reyna ng kagandahan, unti-unti siyang naging palabang babae.

Asahang mas tatapang pa ang lakas ng loob ni Maxine ngayong papalapit na ang summer. Tiyak na makikipagsabayan siya sa mga babaeng walang habas kung maglantad ng kanilang katawan sa social media.