Maxine, nagpasalamat kina Anne at Lauren

Maxine Medina

ANG ating very first Miss Universe na si Gloria Diaz ay may sariling choices among the 86 candidates.

Ang kanyang Top 5:
Canada
Venezuela
Dominican Republic
Thailand
China

Wala sa top bets ni Ms. Gloria si Miss Phili­ppines.

May pampalubag-loob siya na malamang pumasok sa top contenders si Maxine Medina, pero may bawi rin siya na ‘sa­ling-pusa’ lang ito.

Inulit ng beteranang actress-beauty queen ang theory niya na, “We are the host. The host country cannot (win).”

Aniya, “She (Maxine) cannot be the winner. She can be first runner-up. I hope I’m proven wrong for the first time in my life.

“I want her to win. I want us to be so proud, but you know, that’s life.”

May hirit pa si Ms. Gloria na, “I cannot serve lechon and bring it back to my kitchen, kasi I’m giving it to you,” na hindi namin ma-gets kung anong ibig niyang sabihin.

***

For trivia’s sake, ang USA ay LIMANG BESES nang nanalo ng Miss Universe title na ang pageant ay ginanap sa Amerika.

Ang limang host candidates ng USA na nanalo ng Miss U crown ay sina:

Miriam Stevenson (1954, ginanap sa Long Beach, California), Ca­rol Morris (1956, gina­nap sa Long Beach, CA), Linda Bement (1960, ginanap sa Miami Beach, Florida), Sylvia Hitchcock (1967, ginanap sa Miami Beach, FL) at Olivia Culpo (2012, ginanap sa Las Vegas, Nevada).
Ang nag-iisang non-American candidate na nanalo ng titulo sa mismong bansa nito ay si Denise Quinones ng Puerto Rico, na kinoronahan sa Bayamon, Puerto Rico nu’ng 2001.

Ayan, Ms. Gloria. Hindi totoong NEVER nanalo ang host candidate sa Miss U.

Nangyari na ito in the past, hindi lang madalas.

***

Nang lumaban sa Miss U si Pia Wurtzbach nu’ng 2015 ay humingi siya ng suporta mula sa fans ng AlDub.

Maxine Medina
Maxine Medina

The height ng kasikatan ng AlDub loveteam nu’ng time na ‘yon at si­nuportahan si Pia ng AlDub Nation.

This time ay mas naunang mag-tweet si Maine Mendoza ng, “Go, Ma­xine! Kering-keri! #Miss­Universe #Philippines,” bago humingi ng support ang ating kandidata mula sa KatNiel, JaDine, LizQuen at AlDub fans.

Si Anne Curtis ay nag-tweet din kay Maxine ng, “Good luck sa preview and interview! Wishing you all the best! #Miss­Universe #Philippines.”

Nag-thank you si Maxine kay Anne, tapos ay nag-tweet ulit si Anne ng, “You’re welcome! You got this!”

Nagpasalamat din si Maxine sa tweet ni Lauren Young na, “Let’s vote Maxine Medina to #WearTheCrown as #MissUniverse! Let’s go #Philippines! RT to vote for her!”

Tweet pa ng ating pambato sa Miss U, “Para sa mahal kong #Pilipinas #Philippines Salamat po sa lahat ng suporta n’yo. I can’t wait for January 30! #MissUniverse,” na may kasamang tweetpic na ang mga kamay niya ay nakahugis-PUSO.