Bilang parte ng national team, hangad ni fencing prodigy Maxine Isabel Esteban na matulungan ang mga medical frontliner at mga komunidad na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

“Well, at first I wanted to make my break productive. I really thought of how I can do my part as a Pilipino citizen and as a national athlete to help out our frontliners,” kwento ng 19-year-old Ateneo Lady Eagle sophomore at parte ng team foil squad na tumagpas ng bronze medal sa 2019 PH Southeast Asian Games.

“I feel like the youth has to actively participate and take part in helping the government find ways to reach out to the medical frontliners and the affected communities,” hirit ng 2018-19 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 Rookie of the Year-Most Valuable Player.

Noong Abril 10, naglunsad ang Pinay fencing star at kanyang mga kapatid ng fundraising drive na tinatawag na “A Small Thing Goes A Long Way.”

Matapos ang isang linggo, nakalikom na sila ng P339,000.70, 50 pieces ng COVID-19 Uratex pillows at 92 bote ng alcohol.

“I was really surprised because I saw (2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games weightlifting silver medal winner) Ate Hidilyn [Diaz] raise funds also that is why I started one as well. I think she reached almost P100,000. So I was surprised when I saw my friends donating a lot and some people I don’t even know,” wika pa ni Esteban na tmababas ng tatlong gold at isang bronze medal sa UAAP Season 81 women’s fencing.

Kasama sa mga beneficiary ng “A Small Thing Goes A Long Way” ang UST Hospital, UERM Memorial Hospital, National Children’s Hospital at mga komunidad sa San Juan City.

Si Esteban ay veteran internationalist fencer at marami na ring naibigay na mga karangalan para sa bansa. (Janiel Abby Toralba)