Marami rin ang nakapansin sa mga sexy photos ni Maxine Medina na ipinu-post sa Instagram.

Naiisip ng iba na baka papasukin na nito ang showbiz at magpapa-sexy na rin ba ito?

Sa post ni Maxine kamakalawa ay nag-emote na siya sa nalalapit niyang pagpapaalam bilang Binibining Pilipinas 2016.

Post nito sa IG, “Pas­sing on my crown tomorrow and I will never forget what the Universe taught me.

“Thank you my fellow Filipinos for choo­sing me to be your representative and be part of the historical event the Miss Universe 2016.

“It was a wonderful journey that I will treasure forever. To all the 40 candidates this is your chance to give it all.

“Take pride and have faith in how far you can go. The best advice? SMILE SMILE AND SMILE.”

***

Mariel De Leon
Mariel De Leon

AYAW na lang magpakanerbyos ni Sandy Andolong nang nakausap namin kahapon, pero halatang kabado na siya sa laban ng anak niyang si Mariel de Leon sa Binibining Pilipinas kagabi sa Araneta Coliseum.

Kahapon nang umaga ay nag-text si Mariel sa kanila na isu-surrender na nila ang phone nila sa staff ng Binibining Pilipinas dahil hindi na sila puwedeng humawak ng phone.

Ibabalik ang phone pagkatapos ng competition.

Araw-araw kasi, habang nasa Binibining Pilipinas si Mariel na abala sa promo, rehearsals at ilan pang activities, wala nang chance para makita nina Sandy ang kanilang anak.

Kaya sa text at tawag na lang ang connection nila.

Araw-araw ay pinapadalhan nila ng prayer o inspi­ring message si Mariel bilang suporta.

Nagpapasalamat din si Sandy dahil buo ang suporta ng close friends nila, at kahit suppor­ters nila ni Christopher de Leon.

Ipinaparating sa kanila na araw-araw silang bumoboto at ikinakampaya pang i-boto ang candidate #15 Ma. Angelica de Leon.

Papunta na ng hotel sina Sandy nang nakausap namin kahapon, at ayaw na lang nilang magpa-pressure.

Basta ang idinadasal nila ay magin­g maganda ang performance ni Mariel sa pagsali at mabigyan ng ­justice ang kung ano mang title na mapana­lunan nito.

***

Nasa social ­media na rin ang puspusang rehearsal nina Pia ­Wurtzbach at Xian Lim bilang hosts sa Bini­bining ­Pilipinas.

Naikuwento ng ilang miyembro ng media na mas mahigpit ngayon ang coverage, at namili lang ng mga magku-cover. Mahigpit na ipinagbawal sa kanila ang mag-post sa social media accounts para hindi ma-preempt ang airing nito sa ABS-CBN 2.***

One Response