Damay rin ang paboritong kainan ng mga Pinoy, ang Max’ s Restaurant sa Roxas Boulevard, sa mga inisyuhan ng cease and desist order (CDO) ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Una nang sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda na madadagdagan pa ang mga establisimyento na bibigyan ng CDO habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang ahensiya para sa ipa­tutupad na Manila Bay Rehabilitation project.

Pinatigil ng LLDA sa operasyon matapos ang Max’s kasama ang Jolli­bee sa Macapagal at HengFeng Kitchen­nette sa Malate, Maynila matapos madiskubre na ang kanilang waste water ay nagdudulot ng polusyon sa Manila Bay na sumasa­­i­lalim sa rehabilitasyon.