Kalagitnaan ng Agosto  nasaksihan ng publiko ang harap-harapang panggagalaiti sa galit ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa walang puknat na corruption at katiwalian sa burukrasya sa kabila ng mabibigat na salitang binitiwan ng punong ehekutibo laban dito.

May mga kaibigang negosyante sa Cagayan de Oro na nagsumbong kay Duterte at  special mention sa litanyang ito ang dalawang ahensya sa ilalim ng pinanipis na DOTr – ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa tindi ng kanyang pagkakapundi, agarang  pinagbitiw ni Duterte sa puwesto ang lahat ng presidential ­appointees ng nakaraang administrasyon.

Ang nakaupo­ sa tuktok ng dalawang ahensyang nabanggit ay ang pangulo mismo ang nagtalaga rito.

Sadyang may mga pinunong hindi maiwaksi ang nakaugalian nang pasimplehang pakupit-kupit, lalo na kapag napagtatanto nilang sila ay malayo sa central office at under the radar.

Hindi mo maintindihan kung sadyang mahina sa komunikasyon at hindi gaanong naipapaintindi sa kanilang mga kliyenteng publiko ang detalye ng mga patakarang ipinatutupad.

Isa sa halimbawa ang ilang municipalities sa lalawigan ng Romblon. Maraming natuwa sa inisyatibo­ ng LTO na pagpapadala ng mga tauhan sa  Romblon, Sibuyan, Corcuera at Banton upang tumanggap ng mga aplikasyon sa bagong lisensya at renewal ng driver’s license.

Sa totoo, commendable  naman ang aksyon ng LTO  dahil ito ang paraan upang mailapit nang husto ang panga­ngasiwa sa publikong nangangailangan ng serbisy­o ng gobyerno. Ang tanong lamang, matutuwa kaya si Duterte kapag nalamang meron dagdag-singil ang LTO?

Hindi maintindihan ng mga taga-Romblon ang dagdag na singil ng LTO sa  pagri-renew ng vehicle registration at driver’s license, alinsunod sa mobile services na inilako ng LTO  sa ilang isla sa lalawigan.

Hindi lamang magkasalungat o may discrepanc­y ang presyo sa official receipt na kanilang ini-issue kung ikukumpara sa temporary receipt na kanilang unang ibinibigay sa kawawang kliyenteng tsuper.

Kaya’t tanong ng mga kurimaw: “Mobile service” ba talaga ito o “mabilbil services” dahil may bumubukol­ o  ­patong sa serbisyo?

Hindi biro ang presyo dahil  P157.30 ang diperensya sa una at opisyal na resibo kapag professiona­l l­icense at mahigit P200.00 naman ang dagdag kapag student permit. Take note:

Hindi bababa sa 250 ­applicants ang naitala sa kabiserang bayan pa lamang ng Romblon at hindi malayong lomobo ang dagdag dahil sinasabayan ng oplan at hulihan ang singilan.

Umaaray ang mga motorista sa apat na munisip­yong­ nabanggit. Ang malungkot, sa halip na masiga­bong  palakpakan, dumaraing sa dagdag na bayarin­ ang mga ito sa pagproseso ng vehicle registration at driver’ license sa Mobile Services na ginagawa­ ng LTO.

Nawa’y maituwid at bigyang-linaw ng LTO ­dahil bawat sentimo’y mahalaga sa isang tao.

Laging­ tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” ­(Twitter: follow@dspyrey)