May-ari ng nga warehouse na ginagawang drug lab, panagutin

By Dang Samson-Garcia

Ito ay kasunod ng pagkakakum­piska ng P1 bilyong halaga ng shabu sa isang warehouse sa Malabon City.

Sa kanyang Senate Bill No. 1225, nais ni Gatchalian na amyendahan ang Section 8 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ilalim ng panukala, papatawan ng 12 hanggang 20 taong pagkabilanggo at multang P100,000 hanggang P500,000 ang mga may-ari ng mga bahay, gusali at warehouse na ginagamit bilang mga storage facili­ty o laboratory para sa paggawa ng iligal na droga.

“This bill is another weapon in the government’s arsenal in the anti-drug campaign. It seeks to place the onus on the property owner or lessor to ensure that his property and premises are not utilized as a clandestine laboratory for the manufacturing or storage of dangerous drugs or chemicals used as raw materials for these banned substances,” saad ni Gatchalian.