May bayad ba?

Usapang Ofw ni Chingbee

Dapat klaruhin ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung libre ba talaga ang OFW ID.

Ayon na rin sa paha­yag ni Labor Secretary Silvestre Bello noong July.

Ito ay matapos luma­bas sa ilang report na isang OFW ang nag-aplay sa website ng DOLE para makakuha ng ID pero nadismaya na kailangan pala raw niyang magba­yad ng P501.

Ang P501 ay on top raw sa P200 na delivery charge.

As it is, isang pulitiko na ang sumakay na sa isyu na pinaiimbestigahan niya sa Senado.

Pinupulitika

We should get to the bottom ng issue na ito dahil hindi dapat pinupulitika ang mga concern ng OFWs.

As it is, kung totoong may babayaran na P501 at P701 kung ide-deliver sa jobsite, mas mahal pa nga na papatak ang OFW ID. kumpara sa overseas ­employment certificate na papalitan nito.

Ang OEC ay nagkakahalaga ng P100 at ito ang nagiging basehan ng pagbibigay ng terminal fee at travel tax exemptions sa OFWs.

One-time use

Ang matagal nang ipi­nagsisintir ng OFWs sa OEC ay ang mahabang pila para makakuha nito at ang pagiging one-time use lang nito.

Kung talagang may cost ang pagkuha ng OFW ID okay lang kung ma­ging upfront ang DOLE patungkol dito as long as five years o mas mahaba pa ang validity ng nasabing ID.

Pero siyempre pa, mas okay talaga kung libre iyan considering na napakalaking pera ang naipapasok sa bansa ng OFWs na nagbibigay ng purchashing power sa kani-kanilang pamilya.

Pilot testing

Anyway, ang OFW ID ay nasa pilot testing phase pa lang kung kaya okay na ma-ventilate ang lahat ng concerns kaugnay ng project na iyan.

Kung anuman ang features ng OFW ID ay open pa ito sa inputs mula sa OFWs at sa general­ public.

In this light, feel free dear readers to sound off via usapang_ofw@yahoo.com or by calling 833-0785.

And don’t forget to follow us on Twitter @beeslist.