SALT LAKE CITY (AP) — Ayaw pang magbakasyon ni Chris Paul.
Tumabo si Paul ng 29 points at nakapuwersa ng Game 7 sa first-round series ang Los Angeles Clippers sa bisa ng 98-93 panalo kontra Utah Jazz Biyernes ng gabi.
Ihu-host ng Clippers ang tanging do-or-die game ng first round sa Linggo, aabante ang winner para hamunin ang Golden State Warriors.
“It’s just Chris,” papuri ni Clippers coach Doc Rivers sa determinasyon ni Paul na manalo. “Chris was amazing. He just willed the game for us.”
Kumalas ang Los Angeles sa third quarter, at mukhang kontrolado na ang laro nang tapusin ni Austin Rivers ang 9-2 run sa isang step-back 3-pointer tungo sa 91-77 lead 3:58 pa.
Isa pa ang ibinaon niya 1:29 sa orasan para sa 96-86, pero umiskor ng pitong sunod si Gordon Hayward para idikit ang Jazz sa tatlo bago nagmintis ang 3-pointer ni Joe Johnson sa paubos na sandali.
Hindi pumayag si Paul na matalo ang Clippers. Tumapos ang nine-time All-Star ng eight assists, three rebounds at two steals. Nagdagdag si DeAndre Jordan ng 13 points at 18 rebounds.
Pinamunuan ng 31 points ni Hayward ang Jazz, nagdagdag si George Hill ng 22 at tumapos si Rudy Gobert ng 15 points, nine rebounds.
Iginapos ng Clippers si Johnson sa 3 for 9 shooting.